Ang modyul na ito ay ginawa para sa batang katulad mo na nasa unang baitang upang maisagawa ang pagsagot sa mga tanong tungkol sa binasang tula. 

Ang mga gawaing matatagpuan sa modyul na ito ay inaasahang makatulong sa iyo upang matukoy ang kasarian ng pangngalan. 

Ang modyul na ito ay tumutugon sa: 

• Pagtukoy sa Kasarian ng Pangngalan Pagkatapos ng mga Gawain sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 

• makasagot sa mga tanong tungkol sa napakinggang pabula tula/tugma at tekstong pang-impormasyon • natutukoy ang kasarian ng pangngalan (F1WG-II-i 2.2)