Kahalagahan ng Heograpiya sa Kasaysayan ng Daigdig

Kahalagahan ng Heograpiya sa Kasaysayan ng Daigdig

Sa unang markahan, tatalakayin ang heograpikal na kalagayan ng Pilipinas — kabilang na ang lokasyon nito sa globo, mga anyong lupa at tubig, klima, at likas na yaman. Mauunawaan kung paano nakaaapekto ang mga pisikal na katangiang ito sa pamumuhay, hanapbuhay, at kultura ng mga Pilipino.Sa tulong ng mga mapa, larawan, at proyekto, inaasahang makabubuo ang mga mag-aaral ng malikhaing presentasyon na nagpapakita ng ugnayan ng kapaligiran sa pag-unlad ng bansa. Sa huli, inaasahan ding mas mapahahalagahan ang tungkulin ng kalikasan sa kasaysayan at pag-unlad ng sambayanang Pilipino.